genna's posts with tag: clouds

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag clouds
Photo AlbumSicily: Day One (36 photos)Dec 22, '07 4:30 PM
for everyone

Date: September, 19, 2007
Binisita ko yung kaibigan ko sa Sicily, southern part ng Italy.
Ano ba nangyari sa akin nung unang araw..hmm
Nakarating ako ng Birgi Airport ng 10:30am tapos
kumuha ako ng 11:00 Bus na papuntang Trapani (main city)

Nakarating ako sa main city ng 12:00pm
Sabi ni Francesca (nanay ni Sayaka) hindi daw nila ako masundo
dahil wala daw kotse...... so OK, sabi ko mag cocomute na lang ako
papunta sa kanila (akala ko malapit lang hehe napaka layo pala).
Sabi hanapin ko daw yung bus papuntang "Buseto Palizzolo"
tapos sabihin ko daw sa driver, ibaba daw ako sa Via Roma
Eh di nung tinanong ko yung oras ng bus na papunta dun sa lugar nila
1:30 pa daw darating yung bus na dapat kong sakyan.

Habang naghihintay, binasa ko yung librong hiniram ko kay KC
na hindi ko matapos tapos (ilang buwan na nasa akin un hehe, sury mare)
na ang title ay "Birth of Venus"..basahin niyo din, maganda yung storya

Pumasok muna ako sa Cafè house (tawag nila dito Bar) kasi medio malamig sa labas tapos medio nahiya pa ako sa mga locals, ako lang kasi yung asian dun, akala pa ata nila Chinese (cinese) ako. Mga ulol, Pilipina po ako (yun nasa isip ko).

Tapos, nung dumating na yung bus, sinabi ko agad dun sa driver na ibaba ako dun sa Buseto P. Ang galeng..bus ang jeep nila dito. Nag bayad ako ng 2.50 euro para sa ticket. Eh di nagbalak ako matulog sa Bus, dahil wala pa kong pahinga nung mga nakaraang araw. Dahil sa hindi ko alam yung lugar na papapuntahan ko, pinilit kong magising hanggang sa makarating ako sa bahay nung kaibigan ko.

Nampucha, 2:45pm nako nakarating dun sa bahay nila. Akala ko nawala pa ako kasi naman ilang kilometro ng bukid at bundok ang nalampasan ko. Infairness, kahit na malamig at umuulan, worth it naman yung napaka habang bus trip kasi maganda yung lugar, probinsya-ish ang drama

Nung nakarating nako, agad-agad namin kaming umalis nung pamilya ni Sayaka. Natuwa naman ako siyempre, adventurous din pala sila lalo na yung Mommey!

ai nako, inaantok na ko..ang dami ko na pala nasabi, tapos hindi ko lang alam kung may babasa ng introduction ko, pero anyways.. mahaba pa yung kuwento ng unang araw ko.. pero hindi ko na matutuloy dahil pagod na ako, kararating ko lang kanina galing sa Sicily.

have fun!

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Modified from Mediterranean by John Whittet.
Originally on the CSS Zen Garden.
Used and Modified with permission from the author.